Wednesday, July 19, 2006

Chedeng!

Nang sinabi sa pelikulang Forrest Gump na ang buhay ay parang isang kahon ng mga tsokolate sapagkat hindi mo lubusang matiyak kung ano ang madadampot mo; nagkamali sila. Mali, maling-mali! Dapat, ang buhay ay tulad ng pagsakay sa jeep, hindi mo alam kung anong madadatnan mo. 'Yun ang tama! O, walang kokontra! Minsan na nga lang ako mag-update aangal pa. Basta sumakay ka nalang. Deal? Or no deal?!

Chocolate #1: "Penoy ka 'day!"
Kadalasan, kailangan ko pang sumakay ng TOKI jeep (3rd world! joke lang.) mula sa School of Economics para makarating ako sa ubod na lumang Math Building (haller naman feeling mo end of the world araw-araw dahil wala kang maaninag na liwanag. pero 'wag ka, may mga tiga-bura pa sila ng mga blackboard doon. palibhasa can't afford ng whiteboard! deceiving!). Isang beses, kasabay ko yung dalawa kong kaibigang nagjeep. Nilibre kami ng pamasahe ng babaeng itago na natin sa pangalang Hudyo. Sabi ba naman sa akin, "Magkano pamasahe kapag tatlo?" Sarap batukan! Whatever happened to Math100?! P6.50 x 3 = Penoy ka 'day!

Chocolate #2: "Pinoy was here!"
Akala ko dati ang 1...2...3... ay tipong counting numbers lang. You know, like the one when manong driver says, "Isa pa sa kanan, tatluhan 'yan!" Manong naman e, ang sikip na kaya! Ayan tuloy, na-1...2...3...babooh! ka. Well as usual, sa TOKI na naman ang eksena. May sumakay na babae, umupo siya sa tapat ko. Simple ways pang pumikit at kunwaring natutulog. Aba nang nakarating na kami sa Math Building parang nakainom ng enerva at dali-daling bumaba! Huli ka! 'Di bale, nakaukit na ang puwet ng isang madugas na tulad mo sa upuan ng jeep. With matching caption: Pinoy was here!

Chocolate #3: "Truly, madly, deeply Pinoy!"
What do you expect, baguhan pa lang ako sa diliman kaya maang-maangan pa ako sa mga whereabouts at direksyon. So one time, nagtanong ako sa driver ng jeep kung saan yung Bahay Kalinaw. Ang sagot ba naman, nguso. Oo nguso! Kumusta naman 'yun diba. Tama bang i-nguso ang direksyon papuntang Bahay Kalinaw?! Ang sarap dukutin ng nguso niya! No doubt about it, truly, madly, deeply Pinoy!

Chocolate #4: "Amoy na amoy ka, Pinoy!"
Sa kasamaang palad, naranasan ko na ring umupo sa passenger's seat ng TOKI jeep. Therefore, up-close and personal ako sa driver. At nadetermine kong he drives like a Pinoy. Talks like a Pinoy. Last but definitely not the least, smells like a Pinoy. He must be a Pinoy! Amoy na amoy ka, Pinoy!

Chocolate #5: "Knock, knock who's there?!"
Totoo pala 'yung 'knock before you enter'. Sasakay palang si kuya, kumatok na agad! Knock, knock who's there?! K.O.. K.O. who? Knock Out!





Kaya in honor of the beloved chedeng of the Pinoys, I offer this, a Jeepney Driver's Prayer:


Ipaubaya niyo po sa akin Panginoon,
ang pag-iingat ng mga kamay
at ang mga mapanuring mata
nang sa ganoo'y walang madisgrasya
tuwing ako ay pumapasada.

Amen!

No comments: